Isa sa mga paraan upang mapanatiling mababa ang blood pressure ng isang tao ay ang pagbabantay sa mga kinakain nito.
Maliban sa pag-iwas ng mga pagkain na nakaka-high blood, mayroon ding mga pagkain na nakapagpapababa ng presyon na napatunayan na rin ng mga eksperto sa kalusugan. Narito ang ilan sa mga pagkaing dapat kainin:
1. Bawang
Marami nang napatunayang benepisyo sa katawan ang rekadong bawang. Mula sa pagiging anti-inflammatory sa mga sugat, kilala rin ang bawang na pampababa ng presyon. May taglay kasi ang bawan na nitric oxide na napatunayang kailangan ng katawan upang mapababa ang hypertension o high blood.
Maaaring kainin ang bawang sa mga lutuin o di kaya naman ay ilagay sa ilalim ng dila ng ilang minuto hanggang umepekto. Maaari ding kunin ang katas nito upang maging mabilis ang bisa.
2. Kamatis
Isa pang rekado ang makapagpapababa ng blood pressure kung may altapresyon. Sa ginawang pag-aaral ng Tokyo Medical and Dental University, ang pag-inom ng purong tomato juice ay napatunayang makapagpapababa ng blood pressure.
Maaaring gawing juice ang kamatis at inumin ang isang baso nito araw-araw. Kailangan puro at wala itong halong anumang pampalasa gaya ng asin o asukal dahil hindi raw ito eepekto. Maliban sa pampababa ng blood pressure, malaking tulong din sa kalusugan ng puso ang kamatis.
3. Salmon at Mackerel
Dahil hindi maganda para sa mga high blood ang matatabang karne, ang pinakamagandang alternatibo ay ang isda, partikular na ang salmon at mackerel o anumang isda na mayaman sa omega 3.
Ang omeg 3 fatty acid ay napatunayan nang nakapagpapababa ng presyon. Mayaman din ang mga ganitong uri ng isda sa vitamin D na lubhang kailangan upang lumusog ang katawan.
4. Buto ng Sunflower o Mani
Ang mga kutkutin na akala natin ay pampalipas oras lamang ay maganda rin pala sa pagpapanatili ng mababang blood pressure. Ang mga buto tulad ng sunflower at squash seeds ay mayroong taglay na magnesium, potassium, at iba pang minerals na nakababawas sa mataas na blood pressure.
Napatunayan din na ang pagkain ng legumes o mga mani ay nakatutulong sa pagpapanatili ng maayos na presyon at nakapagpapababa ng banta na magkaroon ng sakit sa puso.
5. Saging
Maganda ang prutas para sa mga mataas ang presyon dahil sa taglay ng mga ito na bitamina at mineral. Ngunit isa sa pinakamasustansya at pinakakailangan ng mga may hypertension ay ang saging.
Tulad ng mga buto ng sunflower at pakwan, mataas ang taglay na potassium ng saging na lubhang kailangan ng katawan para magkaroon ng balanced blood pressure.
6. Dark Chocolate
Kung nais naman ng isang uri ng dessert para sa pagpapababa ng presyon, maaari namang kumain ng dark chocolate. Ayon sa ilang pag-aaral ang uri ng tsokolateng ito ay napatunayang nakapagpapababa ng tsansa na magkaroon ng cardiovascular diseases tulad ng high blood. Mayroon itong mataas na cocoa solids kompara sa ibang uri ng tsokolate na maganda sa katawan.
7. Olive Oil
Kailangan din ng katawan ng healthy fat kahit na may hypertension kung minsan. At ang healthy fat na ito ay maaaring makuha sa paggamit ng olive oil na mayroong polyphenols na tumutulong sa pagpapababa ng blood pressure. Maaaring ito ang gamitin sa pagprito o di kaya naman ay pag-dressing sa salad.
Sources
https://www.healthline.com/health/foods-good-for-high-blood-pressure
https://www.health.harvard.edu/newsletter_article/beating-high-blood-pressure-with-food
https://www.healthline.com/health-news/want-to-lower-your-blood-pressure-drink-unsalted-tomato-juice
Thank you so much for the good informations that you shared for us. I really learned alot and aldo I am just diagnosed as a new high blood victim because I always sleep late at night, lacked of water in the body and lacked of exercise.. 😔
Hey there Mel,
We are glad that you found our post to be helpful. Hypertension or altapresyon in Tagalog is one of the most common medical condition for adults. The good news is that for the vast majority of people who get it during their lifetime, it is possible to reverse it and bring your blood pressure into normal levels. Plenty of people have done it in the past.
Start with introducing green leafy vegetables into your diet. This might not be the tastiest of food out there but it is vital for your health. The keyword here is: introduce. Yes, you don’t have to stop eating your favorite food just yet. But it can’t hurt to add a few servings of vegetables into your meal everyday. Cheap green vegetables are available in our local markets or talipapa. These can be kangkong, alugbati, kamote leaves or even okra. For 100php, you can get your veggie supply for up to 3 days.
Next time you’re eating your favorite chicken adobo, try to put a bit of veggies on the side, saktong-sakto ito sa sarsa ng adobo 😉
thank you so much for good tips in my health
You’re most welcome, Rose! 🙂
Helo Po I’m 45 Po pinky from japan nag 156/100 aku night shift tas bumaba naman ok lng ba wag muna aku mag doctor kumain nlmg ng Tama at bawang ??
Hello Pinky,
Unang-una sa lahat, kayo po ang may alam ng inyong katawan, kung may nararamdaman na po kayong hindi maganda o may “kutob” kayo, mas magandang magpa checkup po kayo sa inyong Doktor. Lalo na’t 156/100 po ay considered na high blood na. Iconsider ninyo din po kung may family history kayo na may mga high blood, kapag oo, mas maganda na regular kayo nagpapa checkup para mas makasiguro.
Tama po kayo sa “kumain nalang ng tama”, lalo na po at hindi pa naman kayo ganoon katanda, makakarecover pa kayo at mapapababa ang blood pressure sa normal na lebel.
Ano nga ba ang pagkain na tama? Ito po ang pag iwas sa mga fatty foods. Iwasan muna natin ang pagkonsumo ng napakaraming karne. Pwede padin kumain ng karne, ngunit siguraduhin na ang portion nito ay kakaunti lang. Damihan ang pagkain ng gulay. Kapag kayo po ay magluluto ng gulay, hindi na po ninyo kailangan igisa o lagyan ng gata ito lalo na’t kung ang pakay ninyo ay magpababa ng high blood pressure. Pwede ninyo ilaga ang gulay o di kaya naman ay i-steam ito. Hindi nadin kailangan lagyan ng asin o kung ano pa man na pampalasa. Hindi ito ganoon kasarap, lalo na sa umpisa, ngunit ang pag kain ng gulay ang isa sa pinaka mabisang paraan upang maging malusog. Ito din ang pinakamura. Kapag kumakain kayo ng gulay, isipin ninyo na nag-iinvest kayo sa inyong sariling kalusugan, upang mas humaba pa ang buhay at makaiwas sa sakit.