Hello! Good day po sa inyong lahat. 😊 Ang ating lulutuin sa araw na ito ay ang Easy Chicken Afritada. Isang masarap at makulay na ulam na siguradong magugustuhan ng ka relationship status nyo, o kung married naman ay sure na magugustuhan ni hubby o ni wifey at ng mga kids. Tara! Magluto na tayo~
⏰ Cooking time: 30-40 minutes
Ingredients
- 1 kilo Chicken – ipahiwa na sa gusto ninyong sukat
- 5 cloves bawang – hiniwa ng medyo pino
- 1 chopped medium size sibuyas
- 2 medium size potatoes – hiwang pahaba or cubes size
- 2 medium size carrots – hiwang pahaba or cubes size
- 1 green bell pepper – hiwang pahaba or cubes size
- 1 or ½ Red bell pepper – hiwang pahaba or cubes size
- 1 tomato sauce 250g or more
- 1 teaspoon sugar
- 1 cup green peas (frozen or in can)
- 1 tablespoon Toyo
- 1 kutsaritang asin-di kapunuan
- 1 kutsaritang durog na paminta – di kapunuan
- 3 kutsarang cooking oil
- 1 chicken cube
- 3 cups water
Step By Step How To Cook Chicken Afritada
- Hugasan ang karneng manok at patuluin.
- Lagyan ng mantika ang kawali
- Igisa ang bawang, isunod ang sibuyas
- Ihulog ang manok at takpan, hayaang magisa ng konti.
- Pag nawala na ang pinkish kulay ng manok at naging puti na ang kulay nito ay lagyan ng toyo at igisa ng isang minuto.
- Ilagay ang 3 cups of water, takpan at hayaang kumulo.
- Pagkakulo ay lagyan na ng tomato sauce, asin, paminta, asukal at chicken cube.
- Takpan, hinaan ang apoy sa medium heat at hintaying kumulo.
- Pagka kumulo na ay ihulog ang carrots at patatas, haluin. Takpan hanggang 3 minutes.
- Tandaan na moderate lang ang apoy para di manikit ang sauce.
- Ihulog ang green at red bell pepper. Ihuli ang green peas.
- Tikman at lasahan ng naaayon sa inyong panlasa.
Tips
- Laging tandaan na bantayan ninyo ang apoy habang nagluluto. Kadalasan kung nasa kalagitnaan ng pagluluto ay kailangang hinaan ng konti ang apoy sa medium heat.
- Kung mas maaga ninyo ilalagay ang tomato sauce ay lalong matingkad ang kulay nito, at mas malasa ang sarsa.
Enjoy your Chicken Afri ta-da! 🙂
Love,
Ruthie ❤️
SimotSarap.PH