Hello! Masayang araw sa inyong lahat Kabayan! Ang recipe natin for today ay easy and delicious chicken curry. Ang original dish na ito ay galing India. Ito ay common delicacy sa kanila. Pero ang gagawin natin ngayon ay Pinoy-style Chicken Curry.
Ready na ba kayo?
⏰ Cooking Time: 30 – 40 minutes
Ingredients
- 1Kg Chicken – ipahiwa na sa gustong sukat
- 2 kutsarang curry powder
- 4 cloves chopped bawang
- 1 chopped sibuyas
- 2 patatas cut in medium size cubes
- 2 carrots cut in medium size cubes
- 1 green bell pepper cut in cubes
- 1 red bell pepper cut in cubes
- 1 can coconut milk 400 ml
- 2 siling labuyo
- 1 kutsaritang asin
- ½ kutsaritang paminta
- ½ kutsaritang brown/white sugar
- 2 kutsarang cooking oil
- 2 cups water
Step By Step How To Cook Chicken Curry
- Hugasan ang karneng manok at patuluin.
- Ilagay ang mantika sa kawali, igisa ang bawang, isunod ang sibuyas.
- Ihulog ang manok at takpan
- Paminsan-minsan ay haluin at hintaying mawala ang pinkish na kulay nito. Igisa hanggang maging puti ang kulay ng manok.
- Lagyan ng tubig, takpan at hayaang kumulo.
- Tunawin ang curry powder sa kalahating tasang tubig at ihalo sa manok, isunod ang gata, chicken cube, asin paminta at asukal.
- Pagkakulo ay ihulog na ang patatas at carrots. Pagkaraan ng 3 minutes ay ihulog na ang red at green bell pepper.
- Takpan at hinaan ang apoy. Tikman at lasahan ng timplang gusto nyo.
- Tusukin ng tinidor ang patatas at carrots. Pagluto na ay saka lagyan ng siling labuyo at pakuluin ng isang minuto.
Presto! May delicious Chicken Curry ka na! Yayain mo na silang kumain!
Cooking Tip
Kung sakaling malabnaw ang sabaw nyo dahil napa sobra ang tubig o di kaya ay napa sobra ang anghang. Pwede nyong lagyan ng isang kutsarang cornstarch na tinunaw sa isang kutsarang tubig. Ihalo sa sabaw at pakuluin uli para lumapot ang sabaw.
Love,
Ruthie ❤️
SimotSarap.PH