Paano Magluto ng Tinolang Manok

Ingredients Step By Step Tips

Good day mga kabayan! Ang putaheng lulutuin natin ngayon ay tinolang manok. Ito ay isa sa paboritong pananghalian o hapunan ng isang pamilyang Pilipino lalo na ang mga bata at ganun din ng mga nakatatanda dahil sa masarap at mainit na sabaw. Bukod sa manok, mayroon din itong mga gulay na masustansya at mga pampalasa tulad ng bawang at luya. Kung kaya naman popular din ito na ipinapakain sa may mga sakit, tulad ng lagnat at ubo.

Ingredients

  • 1 kilo Chicken – hiniwa sa gustong sukat
  • 1 small green papaya o 2 sayote hiwang pahaba
  • 1 luya pinitpit at hiwang pahaba
  • 5 Pisngi ng bawang hiniwang maliliit
  • 1 sibuyas bumbay
  • 3 kutsarang mantika
  • 1 kutsara patis (optional)
  • Dahon ng sili o talbos ng kamote
  • 3 pirasong siling green or finger sili
  • 1 liter water or more
  • ½ kutsaritang asin
  • ½ kutsaritang durog na paminta
  • 1 chicken cube

Step By Step How To Cook Tinolang Manok

  1. Hugasan ang manok at patuluin.
  2. Lagyan ng mantika ang kawali.
  3. Igisa ang bawang, luya at sibuyas.
  4. Isunod ang manok at haluin.
  5. Takpan at haluin paminsan minsan at hintaying mawala ang kulay pinkish ng karneng manok.
  6. Pagputi na ang kulay ng manok ay lagyan na ng patis. Igisa hanggang sa medyo matuyuan ng katas.
  7. Sabawan at takpan (ilagay ang tubig). Hintaying kumulo. Hinaan ang apoy at hayaang kumulo ng 20 minutes.
  8. Timplahan ng asin at kalahating kutsaritang pamintang durog.
  9. Ihulog ang papaya at siling green. Lagyan ng chicken cube. Takpan at hayaang kumulo.
  10. Huling ihulog ang talbos at tikman. Timplahan ng naaayon sa inyong panlasa.
  11. Pagkahulog ng talbos at kumulo na ay i-off na ang kalan ng sa gayon ay di ma overcook ang mga gulay.

Luto na ang inyong masarap na Tinolang Manok na niluto na may kasamang pagmamahal 😊

Cooking Tips

  • Mas ok kung paunti-unti ang paglagay ng pampalasa, kapag tinikman at sa tingin mo ay kulang pa, saka magdagdag ulit ng kakaunti. Repeat this hanggang mahuli ang lasang gusto mo.
  • Malalaman mo na success ang iyong tinolang manok kapag pinagpapawisan na ang mga kumakain nito. Sa sobrang sarap, hindi na nila mahintay palamigin ang sabaw 😉

Love,
Ruthie ❤️
SimotSarap.PH

Leave a Comment