Hello! Magandang buhay mga kabayan. Magluluto na naman tayo ng isang madali at masarap na ulam para sa inyong malusog at masayang pamilya. 🙂
Ingredients
- ½ kilo giniling na baboy
- 3 cloves garlic
- 1 medium size onion
- 1 patatas
- 1 carrot
- 1 red bell pepper (small)
- 1 green bell pepper (small)
- 1 tomato sauce (200g)
- 2 kutsara toyo
- ½ kutsarita asin
- ½ kutsarita durog na paminta
- 3 kutsarang mantika
- ½ cup water
- ½ cup raisin (optional)
- ½ kutsarita brown sugar (optional)
Preparation
- Hiwain na small cubes ang patatas, carrot, red and green bell pepper.
- Pitpitin ang bawang at hiwain ng pino, ganun din ang sibuyas.
Step By Step How To Cook Pork Giniling
- Igisa ang bawang, isunod ang sibuyas.
- Isunod ang giniling at igisa ng 5 minuto hanggang sa mag iba ang kulay.
- Lagyan ng toyo ang giniling at haluin.
- Sabay na ihulog ang patatas, carrots at pasas.
- Timplahan ng asin, paminta at konting sugar. Lagyan ng konting tubig at takpan ng 2 minutes.
- Ilagay ang tomato sauce, haluin at pakuluin.
- Ihulog agad ang red and green bell pepper
- Tikman at lasahan.
Tiyak na magugustuhan ng inyong loved ones ang bago nyong putahe kaya ihain na habang mainit pa ang inyong giniling na baboy o picadillo.
Love,
Ruthie ❤️
SimotSarap.PH