Magandang araw kabayan! Itong adobong pusit ay all-time favorite ng lahat, lalo na kung very tender ang pagkakaluto. Ituturo ko sainyo kung paano ninyo ma-enjoy ang masarap at malambot na adobong pusit na kinagigiliwan ng lahat. Just make sure na wag mag-selfie habang kumakain nito. 🙂
⏰ Cooking Time: 8 – 10 minutes
Ingredients
- 1 kilo pusit, first-class small/medium size
- 4 pisngi bawang
- 1 medium size sibuyas
- 3 green finger sili
- 12 tablespoon toyo
- 4 tablespoon suka
- ¼ teaspoon pamintang durog
- ½ teaspoon brown sugar
- 3 tablespoon cooking oil
- 2 small kamatis
Step By Step How To Cook Adobong Pusit
- Hugasan ang pusit at alisin ang plastic at matigas na parte sa ulo ng pusit
- I-drain, kailangan walang tubig ang pusit (important)
- Habang hinihintay ma-drain ang pusit, hiwain ang kamatis ng medyo pino
- Painitin ang cooking oil sa kawali
- Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis
- Isunod ang siling green
- Isunod agad ang toyo, suka, paminta at asukal
- Hinaan ang apoy (medium heat) at hintayin kumulo ang sarsa
- Kapag kumulo na, ihulog agad ang pusit
- Haluin at takpan. Lakasan ng konti ang apoy
- Paminsan-minsan ay silipin at haluin. Kung mapapansin ninyo, ang pusit ay lumiliit at nagkakaroon ng sariling sabaw. Pag-dating sa boiling point (pagkumulo), hinaan ang apoy
- Tikman at sa puntong ito ay lasahan ng naaayon sa inyong gustong panlasa. Ito yung time na pwede ka mag-dagdag ng konting toyo, paminta at asukal. Kung mag-dadagdag ng suka ay siguraduhing gapatak lang
- Tusukin ng tinidor ang laman ng pusit upang malaman kung ito ay luto na. Pero sa puntong ito, siguradong ito ay luto na dahil ang pusit ay madali lang maluto kaya naman hindi dapat overcooked
Reminders
- Kung mapapansin ninyo sa step by step section ay hindi ko na nilagay ang cooking time ng pusit pagkatapos ito ihulog sa sarsa, ang ginamit natin na basehan ay ang boiling point ng sarsa. Dahil mabilis maluto ang pusit kumpara sa manok at baboy kaya kailangan even ang pagkakahalo
- Kung gusto na medyo ramdam ang anghang, guntingin ang siling green sa dalawa (step 6)
- Kung sakaling maging parang swelas ng sapatos ang texture ng inyong pusit, wag mag-alala, kahit ang ibang restaurant ay hindi ganon parin kabihasa sa pag-luto ng pusit. Napapalpak din sila. Pero practice makes perfect! 🙂
Tips
Ang sariwang pusit ay mas tender kapag niluto agad. Kaya nirerekomenda ko sa inyo na lutuin agad ang pusit pagkabili ninyo. Kung mag iimbak kayo ng pusit sa freezer, hanggang dalawang araw lang dahil nawawala din ang tenderness at freshness nito.
Congratulations! Mayroon ka ng tender adobong pusit na tiyak na makakain pati ng mga bata. 🙂
Love,
Ruthie ❤️
SimotSarap.PH