4 Pagkain Na Bawal Sa Mataas Ang Creatinine

Isang uri ng waste product sa katawan ng tao na inilalabas ng kidneys o bato ang creatinine. Lumalabas ito sa pamamagitan ng ating ihi at kapag mataas na ang creatinine level ibig sabihin ay hindi na gumagana nang maayos ang bato.

Kaya naman, may mga pagkain na dapat iwasan na o hindi na kainin pa kung na-diagnose na mataas na ang creatinine level sa katawan.

1. Avocado

Bagaman sinasabing maraming magandang benepisyo sa katawan ang avocado, pinaiiwasan naman ito sa may mga sakit na sa kidney tulad ng mataas na creatinine level. Mayaman kasi ang avocado sa potassium na nagiging sanhi upang mas magtrabaho ang ating kidney na makasasama sa katawan lalo na kung may mataas na creatinine.

2. Mga Pagkaing Mataas sa Protein

Dahil ang creatine ang isang uri ng protein o protina na kino-convert ng katawan bilang energy, kailangang iwasan ito ng mga may mataas na creatinine level. Sapagkat kapag hindi naging energy ang creatine ay tsaka ito nagiging creatinine na inilalabas ng kidneys. Ilan sa mga pagkain na mataas sa protein ay mga karne, itlog, tokwa, soy beans at soy milk, mani, at maging ilang uri ng gatas.

3. Mga Delata

Kung mayroon nang problema sa kidney, anumang klase ito, isa sa mga unang ipinagbabawal ang mga pagkaing maraming sodium o iyong maaalat at processed food. Isa sa mga ito ay ang mga delata. Napakayaman ng mga delata tulad ng canned sardines, tuna, corned beef, at meatloaf sa sodium na hindi makatutulong sa kidney. Nagiging sanhi ng pagkabuo ng bato sa bato ang sobrang sodium na mas makadaragdag sa problema.

4. Softdrinks

Kung may ilang sakit sa kidney gaya ng pangkaraniwang UTI, bawal na bawal na ang softdrinks, lalo na sa may mataas na creatinine. Mataas kasi ang taglay nitong phosphorus na hindi nagiging protein na magpapataas naman ng creatinine ng isang tao.

https://www.livestrong.com/article/35072-foods-avoid-creatinine-high/
https://www.healthline.com/nutrition/foods-to-avoid-with-kidney-disease

Leave a Comment