8 Pagkain Upang Makaiwas sa Diabetes

Isa ang diabetes sa mga karamdamang nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino. Ito ay isang uri ng sakit na mayroong kinalaman sa sugar levels ng isang tao. May ilang pagkain na makatutulong upang maiwasan ang mapanganib na sakit tulad ng mga sumusunod:

1. Suka

Dahil ang kontrapelo ng matatamis na pagkain ay maaasim, maaasahan din ang bisa ng suka sa mayroong mga diabetes at sa mga gustong makaiwas dito. Nakapagpababa ng blood sugar level ang suka kasabay ng pagbawas din sa sugar na hatid ng pagkain ng carbohydrate rich na mga pagkain.

2. Kamote

Maganda ring alternatibo sa patatas ang kamote lalo na kung mayroon ka nang diabetes. Mas mababa raw kasi ang sugar levels nito at hindi gaanong nakapagpapataas ng blood sugar level ng pasyente. Mayaman din ito sa vitamin A at C, fiber, at potassium.

3. Sardinas at Salmon

Nasa klasipikasyon ng fatty fish ang sardinas at salmon. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga isdang ito ay nagtataglay ng omega-3 fatty acids na kailangan dawn g katawan upang magkaroon nang maayos na puso at utak. Nalaman din sa pag-aaral na nakapagdudulot ito ng mas mababang blood sugar at blood lipids lalo na sa may mga diabetes na.

4. Brown Rice

Dahil delikado para sa mga diabetic ang kumain ng maraming carbohydrates, inirerekomenda ang pagkain ng brown rice. Kahit ang mga wala pang diabetes ay ipinapayong kumain nito dahil mas mababa ang carbohydrate at glycemic nito at mas mayaman sa fiber at magnesium.

5. Mansanas

Maaaring isipin na ang prutas na ito ay hindi maganda sa mga diabetic o makapagdudulot ng diabetes dahil sa matamis nitong lasa. Ngunit taliwas sa nalalaman ng marami, ang mga mansanas ay maganda sa may diabetes dahil sa taglay nitong bitamina. Maliban dito, may taglay din itong quercetin, isang plant pigment na tumutulong sa katawan upang lumikha ng insulin na malaking tulong sa mga diabetic. Mayroon din itong antioxidants at fiber na nagpapabagal naman daw sa pagtunaw ng sugar sa anumang kinakain natin.

6. Asparagus

Sinasabing mayaman sa antioxidants ang leafy-green na gulay na ito na nakatutulong sa pagbawas ng komplikasyon at pagkakaroon ng mas maayos na blood sugar level. Mayaman din ito sa fiber at mababa ang calories. Ayon sa isinagawang pag-aaral ng British Medical Journal, ang araw-araw na pagkain nito ay nakatutulong sa pagbawas ng epekto ng mataas na blood sugar sa mayroong mga type 2 diabetes.

7. Chia seeds

Isa sa mga sumsikat na pagkain ngayon ay ang chia seeds. Dahil sa banta ng stroke at iba pang komplikasyon sa puso, inirerekomendang kumain ng chia seeds dahil maganda ito sa puso. Taglay nito ang omega-3 fatty acids na maganda sa puso. Mayroon din itong protein at fiber na makatutulong din sa pagbawas ng pagkakaroon ng problema sa puso.

8. Kale

Katulad ng asparagus, isang green-leafy vegetable din ang kale. Dahil dito, mayroon silang magkatulad na benepisyo sa katawan tulad ng pag-regulate ng sugar levels ng isang tao, kasama ang pagkontrol sa maayos na blood pressure. May taglay din itong calcium, vitamin A, potassium, at iba pang antioxidants.

Sources

Pinagbatayan: Julie Revelant, “10 Foods that can help prevent diabetes,” FOX News, https://www.foxnews.com/lifestyle/10-foods-that-can-help-prevent-diabetes.

Natalie Olsen, Beth Sissons, “What are the best foods for people with diabetes,” Medical News Today, https://www.medicalnewstoday.com/articles/324416.

Leave a Comment