Paano Magluto ng Ginisang Monggo (Pork Chicharon)

Ingredients Preparation Step By Step

May paniniwala ang mga Pilipino na kapag Biyernes, dapat ay gulay lang ang kakainin at iwasan ang karne. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ginisang monggo ang madalas na ulamin kapag Biyernes. Madali lang lutuin at sa dami ng sahog, tiyak na buong pamilya ay busog!

Kanya-kanyang paraan ang ating mga nanay kung paano magluto ng munggo, dahil tila napakaraming pwedeng ihalo sa gulay na ito. Maaari itong ipares sa pritong isda tulad ng tinapa para sa “smokey” na flavor, okoy (fried dilis), chicken, at ang all-time favorite natin: pork chicharon.

Ituturo ko sainyo kung paano magluto ng ginisang munggo na may pork chicharon. Ang recipe na ito ay tiyak na mas masarap sa luto ng karinderya na malapit sa inyo 😀

Ingredients

  • 500 grams Monggo
  • 100 grams pork meat (pang sahog)
  • 1 pack chicharon
  • 2 tomato (medium)
  • 3 cloves garlic (crushed)
  • 1 onion (small)
  • 2 talong (medium)
  • talbos ng kamote or dahon ng ampalaya
  • 1 teaspoon salt
  • ½ teaspoon pamintang durog
  • 1 teaspoon patis
  • 1 calamansi
  • 1 pork cube
  • 3 tablespoon oil
Did you know

Ang ibig sabihin ng munggo o monggo sa wikang Ingles ay mung beans.

Preparation

  1. Hiwang pang gisa ang gawin sa karne.
  2. Hugasan ang monggo beans at ilagay sa kaserola.
  3. Lagyan ng 3 cups of water at pakuluan ng 30 minutes.
  4. Patayin ang apoy at wag bubuksan ang takip. Ito ay kusang lalambot. Gawin ito ng mas maaga para habang hinihintay ninyong lumambot ang mongo ay pwede pa kayong gumawa ng mga ibang gawaing-bahay. Tulad ng paglilinis at paglalaba hehe.

Step By Step How To Cook Ginisang Munggo

  1. Igisa ang bawang at sibuyas, isunod ang kamatis at pagka lanta na ay ihulog ang karne. Igisa hanggang mag-iba ang kulay ng karne.
  2. Timplahan ng patis. Lagyan ng 1 cup water para lumambot ang karne, takpan at gawing medium heat ang apoy.
  3. After 10 minutes ay ihulog ang mga ginisang sangkap sa kaserola ng nilagang monggo. Kung natuyuan na ang mongo ay pwedeng lagyan uli ng tubig.
  4. Lagyan ng pork cube. At hayaang kumulo hanggang lumambot ang mongo.
  5. Timplahan ng asin at paminta ng naaayon sa inyong panlasa.
  6. Ihulog ang hiniwang talong at pagkaraan ng 3 minutes ay ang mga talbos naman.
  7. Tandaan na ang monggo ay natutuyuan ng sabaw o naiiga kaya mas mabuting may sapat na sabaw ang niluluto ninyo.
  8. Makaraan lamang ng dalawang minuto na nailagay ninyo ang talbos ay patayin na ang apoy.
  9. Pwede ninyong isahog ang chicharon baboy pagkaluto na ng monggo o di kaya ay i-toppings na lang sa ibabaw ng monggo pagka ihahain nyo na para sa isang crunchy twist 😀

Ruthie’s Cooking Tip

Kung gusto na mas malasa ang munggo, ay patakan ng isang kalamansi calamansi ingredient habang patapos na ang pagluluto. 😉

Tawagin na ang mga kapamilya para matikman na ang mainit at masarap na Monggo Guisado~

Leave a Comment