5 Pagkain Na Maganda Sa Kidney

Mahalagang alagaan ang ating kidney o bato. Maliit mang bahagi ito ng ating katawan ngunit napakalaki naman ng papel nito sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan. Narito ang mga pagkaing dapat nating kaugaliang ihain sa hapag at maging bahagi ng ating araw-araw na diet upang mapanatiling malusog ang kidneys o bato.

1. Omega 3 rich na isda

Tinatawag din bilang fatty fish, ang mga isda tulad ng salmon, tuna, mackerel, sardinas, dilis, at maging oyster ay mayaman sa omega 3 fatty acids. Maganda ang epekto nito sa katawan, lalo na sa mga body organ tulad ng kidney. Dahil nakatutulong ito sa pagkontrol ng blood pressure, nababawasan din ang trabaho ng kidney na panatilihing maayos ang daloy ng dugo.

2. Dark leafy vegetables

Maraming benepisyo ang mga gulay na kulay luntian tulad ng kale, malunggay, spinach, at saluyot dahil sa taglay nitong mayamang antioxidants. Nakatutulong din ito sa pagpapanatili ng malusog na kidney dahil hindi na kinakailangan pang uminom ng synthetic food supplements kung araw-araw kumakain ng gulay dahil may natural itong taglay na vitamins, minerals, at fiber na kailangan ng katawan upang malabanan ang iba’t ibang sakit.

3. Mansanas

Maliban sa masarap nitong lasa, napag-alaman din na maganda ang mansanas sa ating kidneys. Nagtataglay ito ng fiber na tinatawag na pectin na nakatutulong upang maiwasan ang mga karamdaman sa kidney o pagkasira nito.

4. Kamote

Kilala ang kamote bilang pamalit o substitute ng mga nagda-diet sa kanin. Ngunit maliban sa nakabubusog ito, nagtataglay din ito ng beta-carotene, vitamin A, C, at B6, at mayroon ding taglay na potassium. Kaya naman kung may karamdaman na sa kidney o nagda-dialysis na, dapat na itong iwasan. Ngunit sa mga gustong mapanatiling malusog ang kidney, akma pa rin naman ito sa inyo.

5. Tubig

Dapat ay ugaliing uminom ng higit sa walong basong tubig araw-araw dahil nakatutulong ito sa paglinis ng mga toxin sa ating katawan. At kapag malinis na toxins ang katawan, mas maayos at madali ang trabaho ng kidney sa ating body fluids.

Sources

https://www.kidney.org/content/7-kidney-friendly-superfoods
https://www.medicalnewstoday.com/articles/325390

Leave a Comment