4 Pagkain Para Sa May Sakit Sa Kidney

Mahirap kung kidney na ang natamaan ng karamdaman o napinsala. Marami na kasing pagkaing dapat iwasan, at iyon pa naman ang mga nakasanayan at tipikal na masasabi nating masarap. At kung mayroon nang sakit sa kidney, narito ang mga pagkaing dapat ihain sa mesa upang mapaganda ang lagay nito at maiwasan ang anumang komplikasyon.

1. Bawang

Dahil bawal na ang maalat o sodium-rich food sa may mga sakit sa kidney, ang mga maaari na lamang nilang kainin ay kadalasang walang lasa. Ngunit pwede pa rin naman sa kanila ang bawang na nakapagbibigay ng lasa sa pagkain, alternatibo sa asin. Bukod rito, marami ding taglay na anti-inflammatory properties ang bawang na makatutulong sa ilang kondisyon sa bato.

2. Repolyo

Maganda sa bato ang mga green leafy vegetable at isa sa mga ito ay ang repolyo. Bukod sa tipikal na bitamina at mineral na nakukuha rito tulad ng vitamin K, C, at B vitamins, may taglay din itong fiber na nakatutulong sa maayos na panunaw. Maganda rin ang repolyo dahil sa taglay nitong mababang sodium, phosphorus, at potassium na bawal na bawal sa mga may sakit sa kidney dahil nakadaragdag ito sa trigger at pagkasira ng bato.

3. White meat ng manok

Kahit na isang banta ang mataas na protein sa mayroong mga problema sa kidney lalo na ang matataas ang creatinine, kailangan din naman ng katawan ang protina kaya maganda pa rin ang white meat ng manok. Ang breast part ng manok lalo na ay mayroong mababang phosphorus, sodium, at potassium na maganda sa kidneys.

4. Labanos

Kadalasang nakikita itong sangkap ng paboritong sinigang o sa nauusong kimchi. Pero ang labanos pala ay maganda rin sa diet ng mga may karamdaman sa kidney dahil sa mababang potassium at phosphorus ngunit may mataas na vitamin C at iba pang antioxidant na nakagaganda sa kabuuang daloy at paggana ng katawan. Ginagamit din talaga ang labanos upang mas mapababa ang sodium content ng iba’t ibang lutuin dahil sa matubig ito kapag iniluluto.

https://www.kidneyfund.org/kidney-disease/chronic-kidney-disease-ckd/kidney-friendly-diet-for-ckd.html
https://www.healthline.com/nutrition/best-foods-for-kidneys#1

Leave a Comment