Paano Magluto ng Adobong Manok

Ingredients Step By Step Tips

Magandang araw sa inyo! Ang ating putahe ngayong araw na ito ay ang paborito ng lahat ng Pilipino. Pinaka-popular na chicken adobo! (With my own version). Saang panig ng mundo ka man naroroon, sure ako na namimiss mo ang paboritong ulam ng lahat. Siguradong simot sarap ang easy recipe na ituturo ko sa inyo today.

⏰ Cooking Time: 30 – 40 minutes

Ingredients

  • 1 kilo chicken
  • 3 tablespoon cooking oil
  • 4 pisngi bawang
  • ½ sibuyas (medium size – pula o puti)
  • 10 tablespoon toyo
  • 5 tablespoon suka
  • ½ tablespoon brown sugar
  • ½ teaspoon paminta (powder or crushed)
  • 3 cups water
  • 3 laurel leaves – optional

Preparation

  • Hiwain ang manok sa inyong gustong sukat.
  • Hugasan ang manok at patuluin.

Step By Step How To Cook Chicken Adobo

  1. Ipainit ang mantika sa kawali
  2. Igisa ang bawang at sibuyas
  3. Isunod ang manok
  4. Haluin at takpan
  5. Paminsan-minsan ay haluin hanggang mag-iba ang kulay ng karne
  6. Pag nawala na ang pinkish color ng hilaw na karneng manok at pantay na ang kulay, ay ihalo na ang toyo at igisa ng isang minuto. Para mag-blend ang kulay ng toyo. Tandaan na medium heat lang ang apoy
  7. Ihalo ang tubig, suka, asukal at paminta. Kung mayroong laurel, isama nadin ito.
  8. Takpan at hintaying kumulo. Haluin paminsan-minsan. Hinaan ang apoy
  9. Pagkaraan ng 30 minutes, tikman at sa puntong ito ay lasahan ng naaayon sa inyong gustong panlasa. Ito yung time na pwede ka mag-dagdag ng konting toyo o suka at konting tubig pa
  10. Takpan uli. Pakatandaan na medyo mahina nalang ang apoy nito. Para hindi ito matuyuan ng sabaw at para manuot ang sarsa sa manok
  11. Kung kayo ay nagdagdag ng inyong sarsa, ito ay kailangang mapakuluan uli sa mahinang apoy
  12. Para malaman kung luto na ang manok ay tusukin ng tinidor ang laman ng karne. Kapag ang tinidor ay tuloy-tuloy na bumaon, ito ay siguradong luto na PERO pag ito ay lumalaban pa, kailangan na takpan muli ng ilang minuto pa.

Tips

Mas mabango kung ginigisa sa bawang at sibuyas ang adobo ninyo, kesa sa pinaghalong lahat ang sangkap at pinakuluan lamang.

Reminders

Pag nasa boiling point na hinaan ang apoy na parang sini-simmer na lang. Nasa inyo na kung papatuyuan ninyo ng sabaw (adobong tuyo) ang gusto ninyo o medyo may sarsa.

Mas tender ang laman ng manok kesa sa baboy, kaya naman mas madaling lutuin ito kesa sa adobong baboy.

Congratulations! May chicken adobo ka na! 🙂

Love,
Ruthie ❤️
SimotSarap.PH

Leave a Comment